Ang Gabing Antukin at Matang Ayaw Pumikit

0

Inaantok na anggabi
subalit mulagat pa rin ang mga mata
pasintabi sa buwan at bituin
ayaw pa akong patulugin ng gabi.

Marahil araw ang hinihintay
upang ako’y ipag hele sa kandungan
ng kasalukuyan at nakaraan.

Ang gabi ay inaantok
ngunit nagpapahiwatig nanaman
ng kanyang pagkayamot
upang ako’y padalhan ng mga
bangungot.

Hihintayin ko nalang ang silahis
ng araw upang ang bangungot
ay maging panaginip
na maghahatid sa katotohanan
na ang paghahanap ay
matatagpuan.


Share.
.
Loading...

Please follow our commenting guidelines.

Comments are closed.