“Takbo na dali!” Hila sa’kin ni Tupe isang umaga sa palaruan. Kakasabit lang ng mga kamay ko sa huling bakal ng lambaras nang magtakbuhan papalayo ang mga kalaro ko papunta sa likod ng mga dram na may larawang makukulay na Morion.

“Bakit ba tayo kailangang magtago?” ang tanong ko sa kanya. Paano’y hindi ko talaga maintindihan kumbakit kami tumakbo at nagtatago ngayon sa likod ng dram. Nagkalat sa paligid ang mga upos ng sigarilyo at ilang maliliit na supot ng plastik. Nag-uumpisa na ding kagatin ng mga pulang langgam ang sakong ko at amoy na amoy ko na ang asim ng pawis ng mga kalaro ko. Kanina pa kase kaming alas-sais na nasa palaruan para manghuli ng mga gagamba sa puno ng kaymito na malapit lang sa pinagtataguan namin ngayon at hindi pa kami umuuwi simula noon. Mabusisi naming tinutuklap ang mga gagamba sa sapot at mabilis na nililipat ang mga iyon sa mga kahon ng posporong may lamang kaunting bulak.Tigi-tig-isa kaming dala ng kahon sa bulsa ngunit kahit tatlo lang ang nahuli namin, kasing laki naman ng buto ng kalamansi ang mga iyon.

Premium + Digital Edition

Ad-free access


P 80 per month
(billed annually at P 960)
  • Unlimited ad-free access to website articles
  • Limited offer: Subscribe today and get digital edition access for free (accessible with up to 3 devices)

TRY FREE FOR 14 DAYS
See details
See details