• Ang Rafflesia ni JD Agapito

    0

    Kilalang pinakamalaking bulaklak sa mundo
    Isang halaman na sa iba nakadepende nang husto
    Endoparasite dahil sadya namang parasito
    Tetrastigma vine kung host ang itanong mo

    Rafflesia ang tawag sa genus ng halaman
    Ibinatay sa lider ng ekspedisyon iyan
    Sir Thomas Stamford Raffles ang ngalan
    Kasama si Dr. Joseph Arnold, na isang Englishman

    Masasabing may 28 species ang Rafflesia
    Na matatagpuan sa Southeastern Asia
    Malay Peninsula, Borneo at Sumatra
    Dito sa ating bansa, sa Thailand at Indonesia

    Sa tatlong estado ay opisyal na bulaklak
    Sa Indonesia ay sadyang nakakatiyak
    Sa Sabah na estado sa Malaysiang ganap
    Sa Thailand ay sa Surat Thani Province ang katapat

    Sampu din ang species dito sa bansa
    R. manillana , R. schandenbergiana, R. speciosa
    R.Banahaensis philippensis, R. leonardii, R. baletei,
    at R. mira R.                                                                                                                                                                  aurantia at R. lobata kasama ang R. verrucosa

    Kaya ang bansa ay sentro ng pananaliksik
    Dahil simula taong 2002 ay abalang higit
    Taong 1845 at 1898 ang unang dalawang species
    At ang huling 8 naman ay 2000 na naisamang mabilis

    Nitong 2010 nadiskubre ang pangsampu
    R. verrucosa at sa Mindanao natagpuan ito
    Simula 2002 ay halos taon-taong may bago
    Noong 2006 ay nakadalawa pa nga mismo

    Pinakamalaking bulaklak ay ang Rafflesia arnoldii
    Sa Indonesia sadyang matatagpuan kasi
    R. schadenbergiana ang pumangalawa sa laki (Mindanao)
    Na siya namang ating naipagmamamalaki

    Tinaguriang reyna ng mga parasito
    Queen of parasites kung iinglisin mo
    Corpse flower dahil naman sa amoy nito
    Masasangsang at nabubulok na karne mismo

    Kung amoy nga maikukumpara sa pungapung
    Iba naman ito at Amorphophallus titanium
    Hindi isang bulaklak lang ito mayroon
    Inflorescence o kumpul at malaki rin iyon

    Kaya ang pungapung ay pamilya Araceae
    Ang Rafflesia ay Rafflesiaceae
    Medyo malayo sila kung aaralin kasi
    Sa amoy ay nagkaparehong mabuti

    Kaya ito ay napakagandang inspirayon
    Baka madagdagan pa ang ating koleksyon
    Sa pagtutulungan ng lahat sa nasyon (DENR, National Museum etc)
    Marami pang Rafflesia ang madiskubre sa ating panahon

    (Poet Josephine D. Agapito DrPH is an assistant professor at the College of Arts and Sciences, University of the Philippines Manila.)

    Share.
    loading...
    Loading...

    Please follow our commenting guidelines.

    Comments are closed.