NO POLITICAL WOUND IS DEEP ENOUGH TO HURT FOREVER… UNLESS YOU ARE AQUINO

Communist party trial testimonies

3

Part 4
Following are testimonies—delivered under oath—excerpted from certified copies of transcripts of the proceedings in the July to November 1989 investigation by the Senate Blue Ribbon Committee and Committee on Justice and Human Rights on the Plaza Miranda Bombing.

Advertisements

XXXXXXXXXXX

EXCERPT FROM MINUTES OF THE OCTOBER 25 HEARING:
THE CHAIRMAN: Ngayon, babalik tayo kay Danny Cordero. Kilala mo ba yan, si Danny Cordero, at kailan mo nakilala ?

MR. GUEVARRA: Si Danny Cordero po, hindi ko po… una ko po siyang nakita pero…

THE CHAIRMAN: Kayo lang dalawa?

MR. GUEVARRA: Nuong bago po — hindi po, kasi nuong nag-usap kami, tatlo kami, si Jose Maria Sison, ako at iyong isang Ka Erning na kasama namin. Pero po sa bahay na ‘yon, ang nanduruon mga kasapi ng Komite     Sentral, nanduruon din si Herminigildo Garcia IV at saka si Manuel Collantes. Si Manuel Collantes po ang sumundo sa aking kinalalagyang UG house nuon, inihatid naman ako doon sa kinalalagyan nila Sison at ang sumalubong sa amin sa ibaba sa apartment ay si Herminigildo Garcia.

Kaya po nuong dumating ako, sinenyasan ako ni Herminigildo Garcia na “hintay ka sandali may kausap si Ka Alex sa itaas.” Ginagamit po niyang alyas nuon sa amin Alex, ibig sabihin si Amado Guerrero.

So, naghintay po ako, wala pang ilang sandali sumenyas na si Ka Erning sa akin, sabi umakyat ka na. Nuong pag-akyat ko po, inabutan ko si Sison kausap iyong ilang kabataan lalaki nuon.

THE CHAIRMAN: Kausap sino?

MR. GUEVARRA: Mayroon pong ilang kabataang lalaki na kausap siya sa loob ng kuarto at patapos na po nuong dumating ako. Iyon nga po, duon ko unang nakita ito si – natatandaan ko, nakita ko duon si Danny Cordero, si Ka Daniel, nakalimutan ko na ring pangalan, at si Cecilio Apostol.

THE CHAIRMAN: Pinakilala ba sayo?

MR. GUEVARRA: Hindi. Sa Partido po kasi — sa Partido po kasi, merong compartmentalization na policy ang Party na kung hindi — kung wala kang direktang kinaalaman sa isang gawain, hindi mo na dapat malaman ito, kung hindi sinabi sa ‘yo, huwag ka nang magtanong.

THE CHAIRMAN: Papaano mo nalaman na iyon na ngang mga tayong iyon ay si Danny Cordero, si Ka Daniel at Cecilio Apostol.

MR. GUEVARRA: Nuong nasa Isabela na po sila. Kasi po, kaagad silang ipinadala sa amin sa Isabela

MR. CHAIRMAN: So, nakita mo lang itong mga taong ito kausap ni Jose Maria Sison nuong kahaponan na ‘yon?

MR. GUEVARRA: Opo, kasi po, nuong araw na ‘yon, bago nangyari po iyong pambobom… paghahagis ng granada nuon, may pinag-usapan kami ni Sison na ano ba ang dapat gawin talaga sa mga hinihiling ng mga pulitiko. Nabanggit ko nga po sa kanya nuon “ano kaya, kung may humiling kaya sa amin na likidahin namin o tambangan namin ‘yong kalaban ni ganitong partido, ano kaya magagawa kaya natin.

Ang natatandaan ko pong sabi ni Sison sa akin nuon, “Hindi naman tayo mga ano, eh, mga bayaran eh. Hindi naman tayo nagpapaupa para pumatay. Sa katotohanan…”sabi n’ya, “may — magsasagawa tayo ng pambobomba ngayong gabi sa isang meeting. Hindi sa dahilang humingi tayo ng kabayaran, kundi dahil gusto nating umiral and gusto nating mangyari.”

THE CHAIRMAN: Sinabi sa iyo ‘yan mismo ni Jose Maria Sison?

MR. GUEVARRA: Magkaharap ko kami sinabi n’ya.

THE CHAIRMAN: Kailan sinabi sa iyo ‘yan?

MR. GUEVARRA: Nuon pong gabi na – na nakita ko sina Danny Codero sa bahay na     ‘yon.

THE CHAIRMAN: At sinong kaharap nuong sinabi sa iyo ‘yan?

MR. GUEVARRA: Tatlo po kaming magkakaharap, iyong isang Ka Erning. Pagkatapos po….

THE CHAIRMAN: Ka Erning.

MR. GUEVARRA: Opo.

THE CHAIRMAN: Hindi mo alam ang kanyang tunay na pangalan?

MR. GUEVARRA: Kilala ko po ‘yong kanyang tunay na pangalan pero hindi ko po masasabi kung anong legal n’yang pangalan. Tapos po, nuong matapos masabi ni Jose Maria Sison ‘yon, sabi niya . “alis na ako”. Nagmamadali po siyang umalis.

Ngayon ang sabi n’ya kay Ka Erning, “ipaliwanag mo sa kanya ang isang mahalagang bagay”.

Di, umalis na po si Sison, kami naman ni Ka Erning naiwan sa kuwarto. Dito ko po nalaman iyong tiyak na plano.

Ang sabi ni Ka Erning, “Bobombahin natin ngayon ang miting nga (sic) Liberal party. Pinababatid ko sa ‘yo ang bagay na ito, dahilan ang mga taong magsasagawa nito o iyong mga kasamang magsasakatuparan ng misyon ay ipadadala sa Isabelo (sic). Kung matutuloy ang misyon…” sabi n’ya “sa loob ng ilang araw o sa loob ng isang linggo ay ipadadala sa Isabela itong mga taong ito at dapat na ito’y kaagad na maipasok sa loob ng forest region, huwag nang magtatagal sa mga bahay-bagsakan, at subaybayan ninyong mabuti sa ideologia at pulitika”.

Nuong ko lang po natiyak iyong gam…. pero hindi ko po alam na ‘yong mismong miting na ‘yon ang hahagisan ng Granada. Kaya po, nagpahatid na rin ako sa kila Collantes nuon at kay Magtanggol Roque, inihatid ako sa isag (sic) UG House naming dito sa Pasay. Nuong umaga ko na lang po nalaman na nabasa ko — nadinig ko na sa radio at nakabasa na ako ng diyaryo na iyon na ang nangyari.

So, naghanda na po akong bumalik ng Isabela nuon, nuong dumating sa akin iyong miyembro ng National Liaisons Commission naming, dalawa sila ang naghatid sa kinalalagyan ko si Magtanggol Roque, may iniabot na maliit na sulat uli sa akin, galing kay Ka Erning.

Ang nakasulat po ganito: “Alam mo na ang nangyari kagabi, ilan lamang ang nakakaalam nito at ito’y hindi na dapat pang malaman ng ibang pinuno maging ibang kagawad ng Komite Sentral. Ang sinumang maglabas ng impormasyon na ito, ay may pinakamatapat … ay may pinakamabigat na kaparusahan.” Ganoon po ang nilalaman ng sulat.

END OF PART 4
Part 5 will come out next Saturday March 19

Share.
loading...
Loading...

Please follow our commenting guidelines.

3 Comments

  1. These are the dark history of our country. Jo Maria Sison has a lot of crimes and it is hard to imagine why Corazon Aquino pardoned this devil. I thought that it was F. Marcos that is the mastermind of this Plaza Miranda bombing . Marcos needs to do what he needs to do. Stop these communists including Ninoy Aquino who was part of this crime. At my late age, I now know that really Marcos has a reason to declare Martial Law. That is also the reason why Ninoy was not at Plaza Miranda because Jose Maria must have told him not to attend this very important meeting. Why is he the only one absent in the meeting ?

  2. Let’s Support #Mds_Bbmsa2016 #39PalparanForSenator

    Photo of SMUGGLED ARMS sent from CHINA through MV Karagatan, to support the NPA and help make the Philippines a COMMUNIST country.
    The original shipment contained 2 thousand weapons. Na Intercept sila ng army kaya 200 rifles lang nakarating sa mga rebeldeng NPA. Sa mga hindi naniniwala sa history behind martial law here is a glimpse of the past. Yan historical facts hindi media fabricated truth. Duterte admits he is with a communist ideology.

    http://youtu.be/VSqnXMnxW4Y

  3. Let’s Support #Mds_Bbm sa 2016

    Photo of SMUGGLED ARMS sent from CHINA through MV Karagatan, to support the NPA and help make the Philippines a COMMUNIST country.
    The original shipment contained 2 thousand weapons. Na Intercept sila ng army kaya 200 rifles lang nakarating sa mga rebeldeng NPA. Sa mga hindi naniniwala sa history behind martial law here is a glimpse of the past. Yan historical facts hindi media fabricated truth. Duterte admits he is with a communist ideology.

    http://youtu.be/VSqnXMnxW4Y