‘God-given rights are not subject to the whims and caprices of men’

1

[Editor’s Note: Following is Sen. Grace Poe’s full statement released Thursday at a news conference after the Senate Electoral Tribunal upheld its earlier decision dismissing a quo warranto petition that sought to nullify her proclamation as a winner in the 2013 senatorial elections.]

Advertisements

The majesty of the law flows from the nobility of its purpose: To protect the weak and the oppressed from the tyranny of the rich and the powerful. Above all, it is fair and just. Ang batas ay dapat maghari upang maging pananggalang ng mahihina at ng mga api sa ating lipunan.

Naniniwala din ako sa karunungan ng mga nagbalangkas n gating Saligang Batas. Sila ay mga marurunong.

Kaya nga po ako ay hindi naniniwala na sa kanilang karunungan, ipagkakait nila sa isang sanggol ang mga karapatang bigay ng poong maykapal sa kadahilanan lamang siya ay isang pulot na inabandona ng kanyang mga magulang na kailanman ay hindi nya nalaman ang mga katauhan. Ang pag-ayon ninuman sa panukalang ito ay puno ng kamangmangan, pagkamanhid ng damdamin, pagka ipokrito and higit sa lahat kayabangan at panlalait.

Ang bawat bata na sinilayan ng liwanag sa mundong ito ay isinilang ng pantay-pantay.

Ang ituring ang isa na mas mababa sa iba ay labag sa batas ng Kalangitan at batas ng tao.
God-given rights are not subject to the whims and caprices of men. They are universal. They are constant. They are inviolable. They are forever. And no amount of legal acrobats can alter or worse, take away our basic, inherent rights.

Ako ay may sampalataya sa kabutihan ng tao at taimtim na naniniwala na sa dulo ng pagsubok na ito, ang kabutihan ay mananaig laban sa kadiliman.

Sa aking paglaki sa piling nila, ako ay tinuruan ng aking mga kinamulatan at minahal na magulang tungkol sa kabuluhan ng buhay – na ang buhay na salat sa pag-mamahal ay walang saysay – pagmamahal sa Diyos, sa bayan at sa pamilya. At ang puso na puno ng galit at poot ay isang buhay na itinapon.

May dahilan ang aking pag balik sa Pilipinas – upang muling makapiling at samahan ang aking mahal na Ina pagpanaw ng aking Ama. Hindi ko inakala ng mga panahong iyon na sa paglipas ng halos walong taon ay magdidisisyong magsilbi sa bayan bilang Senador at biniyayaang magwagi sa tiwala ng higit sa dalawampung milyon kababayan natin.

Napakarami ng dapat kong ipagpasalamat at tinatanaw kong utang ito sa kanila sa tiwala at suporta. Nakatago ang pasasalamat na ito sa aking puso at isipan habang ako ay nabubuhay.

The string of disqualification cases were filed against me when I was still contemplating a run for the Presidency by people whose motives were suspect at best. It was not an easy decision.

Una sa lahat, hindi ko ito pinagnasaan. Mas madali na lang sana ang tumalikod at lumayo bago pa man magsimula ang kampanya. Tiwala ako na malaking ginhawa ang mararanasan sa aking araw araw na buhay. Subali’t nanaig sa puso ko ang paghahangad ng mga taga-suporta na naghatid sa akin sa kinaroroonan ko ngayon at wala akong lakas ng loob na ipagka-nulo ang kanilang tiwala at pag-asa.

Ang pagtalikod sa pagsubok ay taliwas sa mga itinuro sa akin ng aking mga magulang. Tinuruan akong manindigan para sa aking mga prinsipyo at paniniwala at kung kinakailangan, makipag laban upang ipag tanggol ang mga naaapi.

Admittedly, I feel I am fighting “City Hall.” Powerful groups with personal agenda are behind the disqualification cases filed against me. But afraid I am not. Not when the people are behind me.

I fight for the rights of the foundlings. Like the rest of you, they, too deserve recognition as natural born citizens of our country. Like you, they too have rights second only to none.

Like you, they too deserve to occupy their rightful place in society. Like you, they too deserve an equal opportunity to serve our people and our country. And oh yes, I’m sure you have not forgotten, I too, am a foundling.

Ipinaglalaban ko ang mga kababayan nating nagluklok sa akin sa pwesto. Ipinaglalaban ko rin silang may kagustuhan na ako ay tumakbo bilang pangulo sa susunod na taon. I fight for their right to choose their President, a President who can lead this nation out of its political and moral decay and lift the economic doldrums slowly creeping up on us.

Ito ay hindi ko laban na mag-isa. Ito ay laban nating lahat – ikaw at ako. Laban nating baguhin ang tatahaking landas at kasaysayan ng ating inang bayan upang ang matiwasay na pamumuhay na ipinapangako ng mga nagdaang panahon ay makamtan na natin sa wakas.

This is our fight against shenanigans in and out of government. This is our fight against the ills of society that pervade our land, poison our youth and distort our morals and national character.

Sa lahat ng tumulong sa akin maging senador ng bayan, hindi ko kayo bibiguin. At sa kalahatan ng aking mga kababayan na kasama ko sa pagtahak ng landas tungo sa pagka pangulo, ang laban ay nagsisimula pa lamang. Manalig po kayo, hindi tayo mabibigo. Sama-sama po tayong magwawagi.

Maraming salamat at magandang araw sa lahat.

Share.
loading...
Loading...

Please follow our commenting guidelines.

1 Comment

  1. Foundlings, of whatever race or color, found in the Philippines have the right to be presumed natural-born Filipino citizens. More so if one is adopted by Filipino parents because in such a case (based on jurisprudence) the foundling inherits the citizenship of the parents without the foundling having to perform any act to perfect its citizenship. The only exemptions to this case is when the foundling is proven to have or have acquired foreign citizenship. There is no existing law in regard to the citizenship of foundlings. It is therefore incumbent upon any court to apply the spirit of the law in the case of foundlings,namely; that justice, common sense and the right of the child should be the governing factor. This should apply to all foundlings!