Released peasant in Samar attends pre-trial

1

Two months after the release of Elpidio Romanca, a peasant from Barangay Mabini in Basey, Samar, attended his pre-trial hearing for allegedly violating the Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act or Republic Act 10591 before the Regional Trial Court (RTC) Branch 30 in Basey, Samar. Judge Tarcelo Sabarre Jr., who presides over RTC Branch 30, asked  Public Attorney’s Office Chief Persida Rueda-Acosta if she amenable to plea bargaining agreement. Acosta said she would like to proceed to pre-trial. Sabarre immediately asked the prosecution on the evidence against Romanca. Sabarre further said he is inquiring on the whereabouts of the subject firearms and ammunition that are supposed to be under the court’s custody, which was later revealed to be in the custody of the Philippine Army. The arrested peasant is suspected to be a communist rebel.

Advertisements
Share.
loading...
Loading...

Please follow our commenting guidelines.

1 Comment

  1. Katungod-Sinirangan Bisayas on

    Good morning!

    Thank you for publishing the story. But, should you consider to rewrite this?
    Attached is our news release.

    Thank you!
    ————————————————————————————
    NEWS RELEASE
    May 7, 2015

    “Nasaan ang mga baril at bala?” – PAO Chief Acosta

    BASEY, WESTERN SAMAR – Muling humarap sa hukuman si Elpidio Romanca makalipas ang dalawang buwan matapos siyang makapagpiyansa para sa kasong Illegal Possession of Firearms na isinampa sa kanya ng mga militar sa sala ni Judge Tarcelo Sabarre Jr., presiding judge ng Branch 30 sa Basey Regional Trial Court.

    Sa pangunguna ni Public Attorney’s Office Chief Atty. Persida Rueda-Acosta, kwinestyon ng depensa kung nararapat bang matuloy ang paglilitis gayong bigo ang prosekusyon na iharap sa korte ang mga ebidensya laban kay Romanca. “Nasaan ang mga baril at bala?” ani Atty. Acosta.

    Ayon sa Republic Act 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act, kinakailangang mapasakamay ng korte ang mga armas na nakuha sa akusado upang matiyak na hindi ito mapapalitan o makokontamina. Nakalagay rin sa batas na ang korte ang magdedesisyon na ibigay ang mga nasabing armas sa PNP Crime Laboratory kung wala na itong gamit sa pagdinig. Dagdag pa, may karampatang kaparusahang pagkakulong ang sino mang lalabag sa itinatakda ng batas na ito. Nakasaad din sa batas na hahatulan ng reclusion perpetua o 20 taon at isang araw hanggang 40 taong pagkabilanggo kung mapapatunayang nagtanim ng ebidensya laban sa indibidwal.

    Samantala, ikinatwiran ng prosekusyon na naghain umano sila ng request sa militar para makuha ang naturang armas ngunit aabutin pa ng dalawa hanggang tatlong buwan bago ito pahintulutan. Nakatakdang maghain ng Motion to Quash ang depensa para tuluyan nang maibasura ang kaso ni Romanca.

    “Dapat nga hindi nila ako kinasuhan dahil unang-una, hindi naman akin ang sinasabi nilang baril,” reaksyon ni Romanca nang ipaliwanag sa kanya ang nangyari sa pagdinig.

    “Umaasa ako na ibabasura nila ang kaso ko dahil hindi naman totoo ang bintang ng mga militar,” dagdag pa niya.

    Kasalukuyang nagpapagaling ng kanyang sugat si Romanca matapos madaplisan ng bala sa kanyang ulo at barilin ng mga sundalo sa kanang tuhod noong magkaroon ng operasyong militar sa kanilang lugar sa Brgy. Mabini, Basey, Western Samar, Nobyembre ng nakaraang taon. Tatlong buwan siyang nasa kustodiya ng mga sundalo bago makapagpyansa noong Pebrero.

    Magaganap ang susunod na pagdinig sa Hunyo 25 at Hulyo 16, 2015, 8:00 ng umaga. ###