• Sala-salabat na Alaala

    0

    Binibi lang natin
    ang pagbawi
    at sumbat
    nasibat sa bawat
    salitang humahati
    sa ating dibdib
    at sa kung
    ano—
    ang natitira pa.

    May pagkutya
    at panukat
    ang tinging
    itinatapon mo sa
    akin,
    may diin ito na
    naririto at
    namamahay.

    Iniisa-isa kong
    pagtagpiin ang
    lahat
    ng pangako
    ng pangarap
    ng panaginip
    na sa isang
    saglit ay nawaglit,
    nag laho
    sa kawalan.

    Bakit nga ba
    walang pangalan
    ang mga gabing
    ayaw mag patulog?

    Isinasauli natin
    ang ngiting
    isa’t isa sabay
    talikod at matuling
    maglalakad papalayo
    na bitbit ang kani –
    kanyang mga alaala.

    WILMOR PACAY 3RD

    Share.
    loading...
    Loading...

    Please follow our commenting guidelines.

    Leave A Reply

    Please follow our commenting guidelines.