• Sanlinggong Facebook s(tanaga)tus

    0

    1. Lunes: Kay Ricky Hatton
    Bakit ka maglalaslas
    dahil lang napabagsak.
    Hatton, bilog ang bukas,
    ‘di ring na parisukat.

    2. Martes: (Balita) Man sues wife for fraudulent ugliness
    Bakit sa paglilitis
    Idinaan ang inis?
    Pinairal ang mistake
    Dahil sa hidden defect?

    3. Miyerkules: Sa pageant na may nipple-distance requirement
    Mangyaring ‘di lang tangkad
    ganda, lapad o liyad;
    kanila ring sinukat
    kung utong ay maagwat.

    4. Huwebes: Sa túmbang marka-diablo
    Kung tusok si San Miguel
    ng talim ni Lucifer,
    ‘di kaya’y tuhog na rin
    ang andya’y nakalibing?

    5. Biyernes: Sa haliparot ng Undas
    Ay! Mutyang haliparot
    sa ibabaw ng puntod,
    sa makinis mong hubog
    kahit patay, lilibog!

    6. Sabado: Ang dapat tinuran ni Balagtas
    Kaysa put’lan ng kamay
    sakaling manayutay,
    mga apo’y turuan
    nitong kodigo penal.

    7. Linggo: Sa napapadalas nilang pagpanaw.
    Aba’y nangangamatay
    silang mga magulang
    ng mga kaibigan.
    Payakap Inay, Itay.

    Share.